The People of Facebook.

22 Nov
Facebook logo

Image via Wikipedia

Facebook has become a worldwide phenomenon. A movie was even made to celebrate its history. But what would Facebook be without its people? The individuals who make Facebook fun, funny and scary all at the same time.

Here are some of the types of people on Facebook:

  1. Napilitan lang gumawa ng account. Pinilit lang siguro ng kaibigan, ng family or ng jowa. Wala syang pakialam sa FB page nya. Isa or dalawa lang ang profile pic at 5 months ang pagitan ng mga status updates.
  2. 3 updates/second. Maya’t maya ang update! Minsan kahit ano nalang. “Kamote is eating alatires.” or “Bagla is bored.”
  3. Undecided sa love life. Minsan 3 beses syang magpapalit ng relationship status nya sa isang araw. From single to married to in a relationship to single ulit. Noong una, madami pang nagtatanong kapag nagpalit sya ng relationship status. “Bakit, anong nangyari?” Pero ngayon, wala na silang paki.
  4. Open book. Open for everyone to read. Di nya yata alam na nababasa ng mga friends nya yung wall nya at ginawang personal diary. Kapag tinanong ng friend nya about dun sa post nya, ang sagot pa nito ay: “Huh?! Pano mo nalaman!” (Kamote ka, pinost mo sa wall mo e.)
  5. Ginagamit ang FB para magyabang. Kesyo kagagaling nya lang kung saang lupalop ng mundo or kaka-Starbucks nya lang dahil “wala syang magawa”. Kasama na dito yung mga social climbers.
  6. Ginagamit ang FB para mangaral. Bibigyan ka ng advice kahit di mo naman kailangan. Minsan magagalit pa kapag di mo sinunod or pinansin.
  7. Ginagamit ang FB para magbenta. “Kamote has been tagged in BuyUselessStuffFromMe’s album”
  8. Poser. Sa Friendster pa lang andami na nito. Mga taong nagpapanggap na ibang tao. Yung tropa ko laging biktima nito. Gwapings kasi kaya laging ninanakaw yung mga picture at gumagawa ng ibang profile gamit ito.
  9. Chick seeker. 99% sa friends nya ay puro babae. Basta may nakita syang maganda na profile pic, add agad! Sigurado kahit isa sa inadd nya di sya kilala.
  10. Friendster. Napakaraming friends! Lahat nalang in-add! Noong Friendster days, 5 ang accounts nya para ma-accommodate lahat ng gusto nyang i-friend. Kamote1, Kamote2, Kamote3 and so on…
  11. Emo. Napaka marubdob at makabagbag damdamin. Lagi nalang malungkot at walang enthusiasm sa buhay. Kung may “Suicide” game sa FB, eto ang highest scorer.
  12. The Hot Chick. Dami nitong friends! Pero madalas, di naman sya naga-update. Ang masama nito, poser lang din pala.
  13. The Hunk. Same lang ng hot chick pero madami sa friends nya ay bading. Pinagpapantasyahan ang mga pictures nya.
  14. Oldie. Naghahanap ng mga classmate nya nung dekada 60. 3 hours ito kapag nag Facebook. Medyo nalilito na kasi at nahihirapan magbasa.
  15. 24/7. Online 24 hours a day, 7 days a week.
  16. Urat. Ang goal nya yata kaya sya nag Facebook e mang-urat at gumawa ng kaaway.
  17. Wala lang. Di mo din alam kung bakit mo sya in-add. Tamang acquiantance lang siguro. Kapag nag-update sya or may pinost na kung ano, WALA LANG.
  18. Scandalous. Sa dinami-dami ng lugar kung saan pwedeng mag-away o magbulalas ng mga sikreto, sa Facebook wall pa nya kung saan kitang-kita ng lahat.
  19. Poster. Lahat ng makita nyang video or article or picture ay pinopost sa wall nya. Kung gusto naming manood ng video, sana nag Youtube nalang kami.
  20. The Popular. Kahit anong i-post nya, i-comment o i-like, madaming sumasang-ayon. Example: “Popular loves hotdogs with mayo.” 1,254 likes this. 2,587 comments.

Alam kong marami pang iba. At meron ding under sa isa or lima sa mga categories na to. Pero, that’s why Facebook is fun diba? Parang highschool classroom lang.

Advertisements

One Response to “The People of Facebook.”

  1. Khristine November 22, 2010 at 2:14 pm #

    A very entertaining read! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: