The Chess Checkmate Scam

13 Nov
Chess board 0991

Image via Wikipedia

November 12, 2010 3:15pm

Kani-kanina lang, habang ako’y nagmemeryenda ng balat ng manok sa ilalim ng tulay sa tapat ng SM Southmall, may napansin akong nagkukumpulang mga tao. Syempre, dahil Pinoy tayo, lumapit ako para maki-usyoso. Ang pinagkakaguluhan pala ay isang chess board na nakapatong sa isang kahon na nagsisilbing “table” nito. Wow! Eto na ba ang bagong pastime ng mga tambay?! Ang mag-Chess? Mabuhay! Turned out, hindi pala.

Isa pala itong money scam. Kailangan mong matalo o ma-checkmate yung manong na may-ari ng Chess board sa pamamagitan lamang ng 2 moves. (At take note, touch move po ito mga kaibigan) Naka-setup na yung mga pieces sa Chess board at sa isang bahagi na lamang kayo ng ng board maglalaro. May ilang mga pieces nalang ang natitira. Queen, King, Knight at ilang Pawns. Sa unang tingin e parang napakadaling talunin ni manong dahil naka-kulong na yung King nya. 50 pesos ang taya at 500 pesos ang panalo mo kung sakaling matalo mo sya. May mga sumubok, pero olats.

Dahil nga Pinoy tayo, di maiiwasan yung mga taong bulong ng bulong na kesyo dapat ganito daw yung ginawa o ganyan. Na dapat daw yung Kabayo ang pinang-kain sa Queen at kung ano-ano pang “tips”. Wala naman akong pakialam dahil gusto ko lang kumain ng balat ng manok. Makaraan ang ilang sandali, tumaya yung isang binata sa tabi ko. 50 pesos. Talo sya at napakamot sa ulo. Sabi nya, “Dapat pala yung kabayo yung ginalaw ko…” sabay lingon sakin at nagsabi, “Diba?” Aba malay ko. Marunong naman akong mag-Chess pero wala ako sa mood pagaralan kung pano talunin si manong. Gusto ko lang talaga manood habang nagsasawsaw ng balat ng manok sa suka. Pero, para hindi naman magmukhang mayabang, tumango nalang ako at sumang-ayon sa kanya. “Oo nga” sabi ko.

Tumaya ulit si binata. Panalo! Tumataginting ng 500 pesos! Nang tinanong ni manong kung kaninong taya daw yun. Sabi nung binata e sa aming 2 daw. Wow ulam! Binigay ni manong yung 500 sa binata at inabutan naman ako ni binata ng 100. Sabi ko, “Sige, sayo na yan.” Pinilit nya ako na kunin yung 100 dahil “kami” naman daw yung nakaisip ng move. Tumanggi pa rin ako at umalis na. Ang sama ng tingin sakin nung mga nanonood dahil pera na nga naman, tinanggihan pa. Tsk tsk. Mga tao nga naman. Kung isa kayo sa mga nagagalit sakin kung bakit hindi ko pa tinanggap yung 100, ituloy nyo ang pagbasa.

Una, naka setup ang Chess board na yun in such a way na you have little or almost no chance of winning unless alam mo yung tamang moves. Malabo na manalo ka kay manong. Pangalawa, yung mga tumataya “kuno” at natatalo ay mga kasabwat ni manong. Tataya sila ng totoong pera para ma-establish yung fact na laro talaga yun na may totoong perang involved. Ikatlo, yung binatang bumubulong sakin ay, you guessed it, kasabwat din ni manong. Nanalo sya nung pangalawang taya nya dahil alam nya yung tamang “moves” para ma-checkmate si manong. Nung nanalo sya ay binabalatuhan nya ako para 1) makita ng mga tao na “pwede” kang manalo at 2) para tumaya din sila.

Malamang, kung kinuha ko yung 100, itataya ko ulit yun para ako naman ang makakuha ng 500. At malamang din, talo ako. So maglalabas na ako ngayon ng sarili kong pera para itaya in the hopes the ma-outwit ko si manong at manalo. Pero, gaya nga ng sinabi ko, malabong mangyari yun.

Inisip ko din na kunin yung 100 at bigla nalang umalis. Balato na yun e, diba? Ang maaari namang mangyari ay may sumunod sa aking kasabwat din nila at bawiin yung pera. At, baka holdapin pa ako.

Natutuwa talaga ako sa experience kong ito at nakangiti ako habang papalayo sa tulay ng lagim. Napaka-creative na kasi ng mga tao lalo na ang mga scammers. Biruin mong naisip nila yun? Ang general rule ika nga ay: “If its too good to be true, it probably is.” Stay safe everyone.

Advertisements

3 Responses to “The Chess Checkmate Scam”

  1. leodeocho November 13, 2010 at 11:53 am #

    kanya kanyang diskarte para kumita. un nga lang sablay, dahil sa maling paraan.

  2. ReijiKageyama November 14, 2010 at 9:41 am #

    Yo kuya airon, meron na nyan sa SM? dati sa intramuros lang yan

    • Max Miller November 14, 2010 at 12:59 pm #

      Yeah. SM Southmall. Dunno sa ibang lugar.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: