Ganito kami noon, paano kayo ngayon?

31 Oct

Ladies and gentlemen, today’s guest blogger, Mr. Michael “Komikoy” Castillo!

Ganito kami noon, paano kayo ngayon?

Photo courtesy of University of Wisconsin - Madison Libraries

View of Avenida Rizal from Carriedo Street. Circa: 1960s

“When was the last time technology made you smile?” Ito yung “Tagline” na nabasa ko sa isang billboard ng napadaan ako sa isang sosyal na underpass sa Makati. Ipods, Plasma TV’s, Internet, cellular phone/computer upgrades at kung anu-ano pang gadgets na nagsilabasan. Karamihan ay natutuwa sa “fast-paced” lifestyle na ganito. Ang ilan, mas pinili pa rin ang mas simpleng pamumuhay na nakagawian.

Kasama ako sa mga “Marcos Babies” Circa sitenta ba. Lumaki ako na ang TV namin ay black and white na de-kabinet pa. Nagkaron lang kami ng colored TV na 14 inches nong mga 1987 na ata, kung saan ang unang-unang palabas na napanood ko ay “Gabi ni Dolphy”, isang variety show na tribute patungkol sa kanya. Noon ko rin lang nalaman na Red and Blue pala ang kulay ni Optimus Prime. Babad ako sa TV noon. Bukod sa 80’s Saturday morning cartoons, ang isa pang hit na children show noon ay yung “Uncle Bob’s Lucky 7 Club” sa Channel 7. Lahat ng mga bagong laruan na papalabas pa lang Shoemart (SM) tulad ng G.I Joe ay fini-feature at ginagawang game prizes. Isa pang magandang palabas noon ay mga situational comedy o “sitcoms”. Karamihan ng tema ay patungkol sa buhay ng pamilyang pinoy tulad ng “Happy House“, “2+2” at syempre “John En Marsha” ni Ading Fernando. Pero ang pinakapaborito ko ay ang “Iskul Bukol” na isa na sigurong maituturing na pinakasikat na comedy series sa Phil Pop Culture.

Bukod sa mga TV shows, maraming mga magagandang pelikula nong 80’s mapa drama, comedy o horror man. Sabi nila, namatay na raw ang Film Industry dito dahil sa “Hollywood” takeover. Mas maganda at mas ginastusan daw kasi ang mga Western films. Sa kin, di porke foreign films e maganda na. Kakabit na siguro natin yung “Colonial Mentality” na pag gawang foreign ay maganda na. Para sa kin di Hollywood ang pumatay sa industriya ng pelikulang Pilipino kundi ang Pilipino mismo. Noon, maraming magagaling na writers at director na dekalidad ang mga gawa – pinagisipan. Ngayon, okay lang na maging “Sell-Out” basta’t kumita lang ng pera. Ang nagagawa nga naman ng komersyalismo. Ang nauuso pa ngayon ay mga Independent films o “Indie” at experimental films. Walang rules, kahit anong gusto mong gawin, kahit sinong bumida, kahit di kamahalan at kagandahan ang gamit mo basta’t may materyal ka, SHOOT! Sabi nga ng isa sa mga pioneer filmmaker na si RoxLee, Libog! Kailangan may libog ka sa gingawa mo. Passion kumbaga. Sa high-tech na panahon ngayon, kahit sino pwedeng gumawa ng Indie film. Nakakalungkot lang, masyadong nagasgas ang pag “label” ng salitang ‘to. Di ako nagaral ng film, pero it doesn’t take a genius para malaman mong marami ng sumasakay sa trend at nagpapangap na Indie film ang ginagawa nila sa kabila ng panay ang promosyon, exposure at publicity stint para kumita ang pelikula.

The Old Cine Odeon was now replaced with a mall. Credit to Dennis Villegas.

Speaking of pelikula, malaki na rin ang improvement ng mga sinehan. Nong araw, ang sinehan wala sa loob ng Mall. Tabi-tabi lang sila. Naaala ko, kasi dati nong nanood kami ng Mommy ko ng sine sa may ODEON Cinema sa Avenida. Palabas noon yung Horsey-Horsey Tigidig.. Tigidig ng TVJ trio at noong crush kong si Maricel Soriano. Utang na loob ko rin sa Nanay ko, na nakilala ko ang Fiesta Carnival at C.O.D sa Cubao. Bihirang bihira sa mga 70’s,80’s babies na di pa nakakarating dito. Sa C.O.D ko unang nakita yung mechanical mannequin show, sabi ko WOW! Galing! Pagkatapos, pupunta kaming Fiesta Carnival kasama ang Ate ko. Sya sa Merry Go Round at ako naman ay sa Horror House na may mini train ala Love Tunnel. Sama mo pa yung lifesize na tren na umiikot sa buong karnabal habang bibanatan ko yung hotdog waffle on stick at Magnolia Chocolait. Kadalasan tuwing magpapasko. Masarap ang Pasko noon, makulay ang daan, maraming mga batang nagka-karoling at medyo ligtas pa mag-simbang gabi. Importante at requirement na magkakasama ang pamilya sa Noche Buena.
Dalawa pa sa pinakasikat na pasyalan noon Ang Manila Zoo, kung saan may Giraffe pa at Orangutang nanunura pag inasar mo. At ang Rizal Park o mas kilalang Luneta. Dito ko nakaexperience sumakay ng local Double-Deker bus na kung tawagin ay MATORCO.Sarap ng feeling, 2 kami ng Nanay ko nakasakay sa 2nd flr ng open-top bus, inaabot ko yung mga dahon sa puno habng umiikot ang ruta ng bus sa Roxas Blvd.

The Love Bus

Nakakalungkot lang dahil sa ngayon, karamihan sa mga napuntahan kong pasyalan ay wala na. Ang Matorco at Love Bus ay napalitan na ng FX. Ang Fiesta Carnival, ginawa ng Shopwise. Ang C.O.D giniba na rin. Matatanda at nagpapayatan na ang mga hayop sa Manila Zoo. Bungal na ang minsang naturingang mapanganib na buwaya, wala na rin ang tinitingalang Giraffe ng mga bata at ang balita ay sooner or later, maaring isara na rin ang Zoo. Ang Luneta, na nooy pasyalan ng pamilya ay ngayo’y nakabuo na ng panibagong pamilya. Pamilya ng mga holdaper, snatcher, bugaw, prostitutes at mga adik. Mga binaboy na lumang sinehan na mas malinis pa ang koral ng baboy kung tutuusin. High-tech na gamit at mga laruan na nakakatulong sa ‘tin para maging technology literate tayo e sya ring instrumento sa mga ibat-ibang klaseng krimen. Internet at gaming technologies na nagtuturo sa mga kabataan ng maagang kaalaman sa sex and violence. Sama mo pa ang pagpalit ng “virtual” sa “real” human interaction.

Wala naman talagang masama sa panahon ngayon. May mga tao sigurong sadyang Technophobes, o talagang mas pinili sa nakasanayang pamumuhay dahil sa magandang sentimyentong naiwan sa kanila. Ilan lang yan sa mga magagandang expiryens ko noon. Di ko ‘to sinulat para magwento ng mini-bio ko kundi para magkaron lang ako ng comparison at self-realization sa mga bagay na ayaw kong i-let go at ang mga bagay at pagkakataong nami-miss ko na dapat palang subukan sa panahon ngayon – Coping with changes ika nga. Uulitin ko, di kinakailangan na sa lahat ng oras ay sumunod kung ano ang uso at kung ano ang dinidikta ng Society. Basta kung saan ka masaya at komportable di mo kailanagan sumakay sa umaapaw na Bandwagon. Kung magkakaron ako ng Time Machine ala Marty McFly at papipiliin ako kung anong panahon ko gusto, e halatang halata na siguro kung anong sasagutin ko.

Micoy is a dear friend from my brief stay at HSBC Manila Care. Super funny, able to fuse humor in just about anything! A guy who’s fascinated with anything and everything vintage. Sporting his 80’s looks with his Fred Perry’s and sunglasses, this man is actually from the past and is a constant reminder of the glory that was the 80’s.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: