Gusto mong gumala? ‘Wag ngayon!

29 Oct

Sale at Gaisano Mall, Davao. Photo courtesy of Davaobase.com

Bakit? Heto at bibigyan kita ng ilang mga dahilan.

  1. Una sa lahat, TRAPIK! Kanina, ang 15-25 minutong byahe ko mula Ayala hanggang Bicutan ay inabot ng halos isang oras. Ang masakit pa nito, walang aircon na bus na byaheng Bicutan. Tagaktak pawis, sira porma. Noong pauwi na ako galing mall ay trapik na sa lahat ng dako. Pati sa Skyway ay usad pagong na. Ang mga daan papasok at palabas ng village namin ay congested na.
  2. Uwian ng mga taong pupunta sa probinsya. Dahil long weekend tayo, (walang pasok ng Sabado, Linggo at Lunes) maraming uuwi sa kani-kanilang mga probinsya para makapiling ang mga kamag-anak at dumalaw sa kani-kanilang patay. Malamang nyan punuan na at mahaba ang pila sa mga istasyon ng bus at mga pantalan patungong probinsya.
  3. Sweldo. Huh? Oo, sweldo! Di nyo ba napapansin na kapag sweldo ay maraming nagkalat na tao lalo na sa malls? May pera kasi kaya nasa labas. At, dahil maraming pera ang tao, marami ding mga naglipanang mananamantala. Snatcher, holdaper at kung sino-sino pa. Mag doble ingat!
  4. SALE. Tama mga kaibigan. Sale ngayon sa halos lahat ng malalaking mall. Naguubos na kasi sila ng stocks para sa December at dahil holiday at sweldo, SALE!

Ang hirap gumala ngayon. Sasakit lang ulo mo sa trapik at sa dami ng tao. At hindi lang yan ngayong araw mangyayari. May mga kasunod pa yan na mas malala lalo na kapag nagbigay na ng 13th month pay ang mga kumpanya at nag-simula na ang Christmas break.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: