Pinoy Street Food Guide: Fishballs

1 Oct

Don’t you just love street food? Sa gilid ng simbahan, sa tabi ng munisipyo, sa loob ng palengke o sa harap ng eskwelahan, makakakita ka ng nagbebenta ng nito. Iba’t ibang uri ng mga equipments ang gamit. Mostly mobile tulad ng bike na may sidecar or kariton para madaling lumipat ng pwesto. Tatak na yata talaga ng pinoy ang pagkain ng street food at kahit marami na sa mga ito ang naka-penetrate na sa malls (tulad ng Scramble at Kwek-kwek), wala pa ring tatalo sa experience ng pagkain sa gilid ng kalsada.

Sigaw ni nanay, “Anak! Bakit ka bumili nyan?! Madumi yan!” Ang di nya alam, ay laging bumabanat ng lamang loob at palamig si tatay bago umuwi. Hehe. Masarap, mura at mabilis mabili, eto ang choice na meryenda ng mga taong nagmamadali at medyo nagugutom, pero ayaw masyadong mabusog para makakain pa sa bahay. At, sa dami ng choices, daig pa ang foodcourt ng SM.

Let’s delve into the world of street food! First off, everyone’s favorite… fishballs!

  • Name: Fishball
  • Can be bought at: Kung saan-saan. Kadalasang nilalako ng mga manong na naka padyak o kariton na de tulak sa harap ng schools or sa mga munisipyo. Kahit saan basta madaming nagdadaang tao. Sa hapon ito lumalabas dahil mainit sa tanghali.
  • How to buy/eat: Habang niluluto yung fishball sa kawali, kumuha ng stick. Humanap ng napupusuang Fishball at tuhugin. Kapag puno na ang stick, gamitin ang pangtulak sa gilid ng kawali para umatras ang mga nauna nang naituhog na Fishball. Isawsaw sa paboritong sauce. May maanghang na toyo at sauce at mayroon ding matamis na sauce. Kung gusto pang mag-round 2, tuhog lang ulit sa kawali gamit ang iyong stick. Kapag tapos nang kumain, magbayad. Note: Minsan may mga nagbebenta ng fishball na hindi alam kung ilan ang iyong nakuha kaya ikaw na mismo ang magsabi sa kanya kung ilan ang iyong nakain. Maging matapat! Fishball lang yan!
  • Other features: Kadalasang kasama ding binebenta ang Squidballs at Kikiam. Minsan mayroong ding binebentang palamig or manggang hilaw.
  • Price range: Fishball – Php 0.50 (All over the Philippines yan!) Kikiam – Php 1.00, Squidball – Php 2.00, Palamig – Php 5.00
  • Interesting Facts: Siguro naman by now alam mo nang gawa sa isda ang fishball. FISHball nga e. Sa Dasmarinas Cavite, bawal magbenta ang mga street vendor lalo na ang mga magpi-Fishball kung hindi sila magbibigay ng lalagyang papel kung saan pwedeng ilagay ang nabiling Fishball kasama ang sauce. Iniiwasan kasi nila ang paulit-ulit na pagsawsaw ng mga bumibili sa sauce na maaaring maging sanhi daw ng pagkahawa sa sakit. May mga vendor nga na nasa squirt bottle na ang sauce para wala na talagang sawsawan.

Natawa ako sa natanggap kong text message dati tungkol sa Fishball. Ang sabi, “Buti pa lahat ng bilihin nagmahal na. Ako singkwenta pa rin! – Fishball”. Which is really true. Bata pa ko 50 centavos na ang fishball. Hanggang ngayon ganun pa rin ang presyo. Siguro kapag nagtaas ng presyo ang Fishball magkakaroon ng people power. Haha.

Don’t you just love street food? Sa gilid ng simbahan, sa tabi ng munisipyo, sa loob ng palengke o sa harap ng eskwelahan, makakakita ka ng nagbebenta ng nito. Iba’t ibang uri ng mga equipments ang gamit. Mostly mobile tulad ng bike na may sidecar or kariton para madaling lumipat ng pwesto. Tatak na yata talaga ng pinoy ang pagkain ng street food at kahit marami na sa mga ito ang naka-penetrate na sa malls (tulad ng Scramble at Kwek-kwek), wala pa ring tatalo sa experience ng pagkain sa gilid ng kalsada.

Sigaw ni nanay, “Anak! Bakit ka bumili nyan?! Madumi yan!” Ang di nya alam, ay laging bumabanat ng lamang loob at palamig si tatay bago umuwi. Hehe. Masarap, mura at mabilis mabili, eto ang choice na meryenda ng mga taong nagmamadali at medyo nagugutom, pero ayaw masyadong mabusog para makakain pa sa bahay. At, sa dami ng choices, daig pa ang foodcourt ng SM.

Let’s delve into the world of street food! First off, everyone’s favorite… fishballs!

  • Name: Fishball
  • Can be bought at: Kung saan-saan. Kadalasang nilalako ng mga manong na naka padyak o kariton na de tulak sa harap ng schools or sa mga munisipyo. Kahit saan basta madaming nagdadaang tao. Sa hapon ito lumalabas dahil mainit sa tanghali.
  • How to buy/eat: Habang niluluto yung fishball sa kawali, kumuha ng stick. Humanap ng napupusuang Fishball at tuhugin. Kapag puno na ang stick, gamitin ang pangtulak sa gilid ng kawali para umatras ang mga nauna nang naituhog na Fishball. Isawsaw sa paboritong sauce. May maanghang na toyo at sauce at mayroon ding matamis na sauce. Kung gusto pang mag-round 2, tuhog lang ulit sa kawali gamit ang iyong stick. Kapag tapos nang kumain, magbayad. Note: Minsan may mga nagbebenta ng fishball na hindi alam kung ilan ang iyong nakuha kaya ikaw na mismo ang magsabi sa kanya kung ilan ang iyong nakain. Maging matapat! Fishball lang yan!
  • Other features: Kadalasang kasama ding binebenta ang Squidballs at Kikiam. Minsan mayroong ding binebentang palamig or manggang hilaw.
  • Price range: Fishball – Php 0.50 (All over the Philippines yan!) Kikiam – Php 1.00, Squidball – Php 2.00, Palamig – Php 5.00
  • Interesting Facts: Sa Dasmarinas Cavite, bawal magbenta ang mga street vendor lalo na ang mga magpi-Fishball kung hindi sila magbibigay ng lalagyang papel kung saan pwedeng ilagay ang nabiling Fishball kasama ang sauce. Iniiwasan kasi nila ang paulit-ulit na pagsawsaw ng mga bumibili sa sauce na maaaring maging sanhi daw ng pagkahawa sa sakit. May mga vendor nga na nasa squirt bottle na ang sauce para wala na talagang sawsawan.

Natawa ako sa natanggap kong text message dati tungkol sa Fishball. Ang sabi, “Buti pa lahat ng bilihin nagmahal na. Ako singkwenta pa rin! – Fishball”. Which is really true. Bata pa ko 50 centavos na ang fishball. Hanggang ngayon ganun pa rin ang presyo. Siguro kapag nagtaas ng presyo ang Fishball magkakaroon ng people power. Haha.

Advertisements

2 Responses to “Pinoy Street Food Guide: Fishballs”

  1. jemo October 2, 2010 at 9:52 am #

    Sa UP meron din silang isang sawsaw policy.
    Pero sabi sa myth buster, d daw tutoo na tra-transpose ng mikrobyo ng double dipping sa sauce!

Trackbacks/Pingbacks

  1. Odd Top Searches « Scratch the Head, Slap the Forehead. - December 8, 2010

    […] Sakit na dulot ng street food. Ito ang mga sakit na pwede mong makuha: Dysentery, Typhoid, Cholera, Hepatitis, E. Coli at kung ano-ano pa. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: