“Mas mahal ko ang platitong ito kesa sayo!”

24 Sep
Broken plates

Image by cattoo via Flickr

Noong bata ka pa, may mga instances ba na nakagawa ka ng kalokohan at ayaw na ayaw mong ipaalam sa parents mo dahil alam mong papagalitan ka? Ang dami ko nyan!

Bago mag New Year, bumili ako ng isang pack ng labintador para gawing “darna”. Yun yung babalatan mo yung labintador tapos sisindihan yung papel para lumiyab yung pulbura at magkaroon ng magic effect na usok. (alam kong alam ng mga boys to) Nagsindi ako ng isa pero di sya naging darna. “Supot” ika nga nila. So binuksan ko sya at saka naman ito biglang sumabog. Kamote. In short, nasabugan ako sa kamay at nasugat. Ang sakit sakit nya. Di ko sya sinabi sa magulang ko hanggang sa makita nalang nila ito habang nanonood kami ng TV.

Eto pa, bumisita kami sa mga pinsan ko sa Novaliches. Habang naglalaro kami, nabasag ng isa kong pinsan yung mug na hawak nya. Sabi ko sa kanya, “Itago mo na agad! Dali habang di pa nila nakikita!” Nag-isip sandali yung pinsan ko. Tapos bigla syang tumakbo sa mommy nya at sinabing, “Mommy, nabasag ko po yung baso!” At sabi lang ni tita ay, “Sige itapon mo na sa basurahan yan at baka masugat ka pa.” Bigla akong napahiya sa sarili ko. Tinuruan ko pang magsinungaling yung pinsan ko. (buti di sya nakinig)

Bakit ganun? Bakit mas pinipili pa ng mga bata na mag-sikreto sa magulang kesa magsabi ng totoo? Bakit may mga magulang na nagugulat nalang isang araw adik na pala yung anak nila? “Anak, saan mo dadalin yang rugby natin?” “Ah, eh nasira po kasi yung  pantalon ko. Ididikit ko lang.”

Marahil, nauuna kasi ang galit ng mga magulang sa ganoong mga pagkakataon. “Walangya ka, diba sabi ko sayo wag kang maglalaro ng apoy?! Nasunog tuloy yung kulungan ng manok ng kapitbahay!” (uy, fried chicken!) Although alam naman nating concerned lang sila, mas maganda siguro na unahin muna ang pag-aalala kesa sa sermon. Ipakita muna ang pagmamahal bago ang hagupit.

Minsan kasi akala ng bata na mas mahalaga pa sa kanya ang platito nyang nabasag dahil grabe kung pano sya pagalitan. Di nya alam na kaya nagalit si nanay ay dahil baka nga naman masugat o mabubog si anak. (O baka mahal lang talaga yung platito. Haha!)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: