“Pare, panis ka sa chicks ko!”

22 Sep

Marahil meron din nito sa harap ng elementary school nyo. Si Kuya o si Ate nag-aabang sa kung sino man ang gustong “bumunot” at hulaan kung anong number, letter o symbol ang lalabas sa kapirasong papel kapag ito’y binasa ng tubig.

Kahit isang beses di pa ako nanalo sa ganun. May mga nakikita akong bata na itinataas pa sa araw yung papel para makita kung may “bakat”. Yung iba naman pinipitik-pitik pa. Sa sampu sigurong sumubok nun, isa lang nananalo. Tsamba pa yun kung minsan. Malamang sisiguraduhin ni manong na bawi sya sa puhunan nya kaya hindi ganun kadali ang manalo.

Isa sa mga madalas nilang premyo ay mga sisiw. Minsan plain na sisiw lang. Minsan may kulay. Minsan naman mga itik.  Kapag may nakita kang batang nanalo ng kahit alin man sa mga yan, asahan mo na wala pang isang linggo e patay na ang kawawang ibon dahil sa pagka-lamog o kaya’y di pagkain. O baka natapakan ni tatay. Tsk tsk. Minsan, may premyo din na mga mamahaling laruan tulad ng Gameboy at Game-and-watch. (Mahal ba ang game and watch? Siguro.) Hindi ko alam kung totoong gumagana pa yung mga yun o kung talagang may mga nananalo.

Mga bata talaga. Madaling mauto. Hehe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: