Sosyal na ang Scramble!

16 Sep

Sinong hindi nakakaalam kung ano ang Scramble? Kulay pink na parang shake na ewan tapos mayroong powdered milk at choco syrup sa taas. Sobrang mura lang nito. Noong elementary pa kasi ako, makakabili ka na nito sa halagang 2 piso. Kaya lang, di ako masyadong bumibili nito. Tinakot kasi ako ng lola at mga tita ko noon na madumi daw ito (which is totoo naman). May napanood pa nga akong expose sa TV kung paano ginagawa. Di ko na ikukwento baka lalo kayong mandiri.

Pero kailan lang, narinig ko sa kabilang department ng aming office na mayroon na daw scramble sa mall. “Huh, scramble sa mall?” Di ako makapaniwala. Hanggang sa may nakita nga akong nagbebenta nito sa aking home mall na SM Bicutan.

Wow totoo nga! Kulay pink pa din sya and pareho sila ng texture at consistency ng nilalakong scramble. Aha! Pagkakataon na! Hindi nga lang sya kasing mura ng “dirty scramble” pero makakasiguro daw tayo na malinis ito. Price range starts from Php5 to Php20. (Kasama na dyan yung basic toppings na choco syrup at powdered milk)

Street food turned sosyal. Hehe.

Advertisements

3 Responses to “Sosyal na ang Scramble!”

  1. jemo September 21, 2010 at 6:20 am #

    Malinis ang scramble!!!

    • Max Miller September 21, 2010 at 6:33 am #

      Hindi lahat. Lalo na yung mga nilalako.

Trackbacks/Pingbacks

  1. Pinoy Street Food Guide: Fishballs « Scratch the Head, Slap the Forehead. - October 1, 2010

    […] ang pagkain ng street food at kahit marami na sa mga ito ang naka-penetrate na sa malls (tulad ng Scramble at Kwek-kwek), wala pa ring tatalo sa experience ng pagkain sa gilid ng […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: